Posts

Showing posts from June, 2017

Si Usman, ang Alipin

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983). Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat. Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho. Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod...