Posts

Puting Kalapati, Libutin itong Sandaigdigan

PUTING KALAPATI, LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN Usman Awang (malayang isinalin ni A. B. Julian) Sa mga pangyayaring walang kasakitan, Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na bumabandila. Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan  Ang hanging panggabi'y iyong panariwain Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin. Itong aming mga labi'y iyong pangitiin. Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala  Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula  Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan Ngunit ikaw na palamara  Tulad ng alabok,humayo ka't mawala  Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda  Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa Pinagyamang Pluma 9 Ailene G. Baisa-Julian Mary Grace G. del R...

Bata, Bata Paano ka Ginawa? (Unang Kabanata)

Bata, Bata Paano ka Ginawa? (Unang Kabanata) Lualhati Bautista             At sa wakas, tumugtug ang graduation march at nagmartsa papasok ang mga batang magsisipagtapos.             “Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled by Mrs. Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”             Palakpakan.             Itinaas ni Lea ang nakahanda nang kamera, isinentro sa anak na nasa kalagitnaan ng linya. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at ngumiti nang maluwang. Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang kamay ng kaklase. Pinandilatan sila ni Mrs. Macasaya.             “Coming next is kindergarten class, secti...

Si Usman, ang Alipin

Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983). Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat. Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho. Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod...