Bata, Bata Paano ka Ginawa? (Unang Kabanata)



Bata, Bata Paano ka Ginawa?
(Unang Kabanata)
Lualhati Bautista

            At sa wakas, tumugtug ang graduation march at nagmartsa papasok ang mga batang magsisipagtapos.
            “Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled by Mrs. Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!”
            Palakpakan.
            Itinaas ni Lea ang nakahanda nang kamera, isinentro sa anak na nasa kalagitnaan ng linya. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at ngumiti nang maluwang. Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang kamay ng kaklase. Pinandilatan sila ni Mrs. Macasaya.
            “Coming next is kindergarten class, section two led by their adviser, Miss Elvina Sagun. Ladies and gentlemen, please give them a big hand!”
            Martsa papasok ang section two. Oo nga’t tinuruan sila ng titser ng mga chest out, stomach in, pero sa oras na ito’y wala na sa mood ang mga bata.
            May dumaragdag na, may nagkakalkal nan g ulo. Aba nga naman, alas siyete ang usapang mag-uumpisa ang programa’y alas-otso pasado na ngayon. Mataas na’t mainit ang araw. At sa school ground lang, sa open air, idinaos ang graduation.
            Pati ang manonood ay ngayon lang napirmi. Kanina’y nagkisaw-kisaw na ang mga tao, reklamuhan kabi-kabila, paypayan, singhalan.
            Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mg magpipitong taon. Pinapawis nga naman sila sa suot nilang toga. Hindi na yata nakatiis ang isa, sa kalagitnaan ng pila’y hinablot  ang toga niya at ginawang pamaypay.
            “Sst! Balik ‘yan. Balik!”  gigil na singhal ni Miss Sagun sa bata. Bubulong-bulong na isinalpak ng bata sa ulo ang toga.
            Humingi rin ng  palakpakan ang tagapagsalita para sa dumarating  na section three. Inihatid din ng adviser ang mga ito sa kanilang takdang upuan. Isang  batang mukhang pilyo ang huminto sa tapat ng titser at nagsabi:
“Tser, may I go out!”
Napahindig ang titser. “Mamaya!”
“Iihi ako!”
“Mamaya sabi”
Nagbanta ang bata. “Ba’la kayo”
“Ssh!”
Bahala nga naman kayo. Pagdating sa upuan 9nakatayo pa ang lahat habang hindi pa kompletong nakakapasok ang mga ga-graduate) inilabas ng pilyong bata ang ano niya at sinabayan ng ihi. Lingunan ang mga batang babaeng natilamsikan. Gimbal sa “pagkadungis” ng kanilang mga “dangal!”
            “Ma’am, si Roderick, dito umiihi!”
            Tawanan ang mga tao. Natukso si Lea, itinaas ang kamera at isinentro sa batang umiihi.
            Klik!
            Inanawns ng tagapagsalita ang pagsisimula ng programa sa pamamgitan ng Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magliw, perlas ng silanganan…mabilis
            Pagkatapos nito, opening speech  ng principal. Na sinabayan ng mabilis na pagkilos ng maraming ina. Puntahan sila sa kanya-kanyang anak para hubaran ang mga ito ng toga, magbibilad ng suot nilang bikini suit. Ito ang mga batang kasali sa pilian ng Miss Kinder sa fashion show na gaganapin sa stage.
            Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya. Iyon ang usapan nina Lea at Ding: si Ding, katulong si Flor na pamangkin ni Lea, ang mag-aasikaso kay Maya dahil si Lea ang kukuha ng mga retrato ng anak.
            Teka, hindi pa pala ‘yong bikini ang kailangan. Iyon muna pa lang gown. Sinuutan ni Flor ng gown si Maya. Sinuklayan. Kinabitan ng dekorasyon sa buhok.
            Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa kanilang anak kundi pati make-up at lipstick. Pinulbuhan nila nang makapal ang mga anak nila, nilagyan ng eye liner, pinapahiran ng pampapula sa pisngi. May sinasabi si Ding kay Flor at batay sa pagsulyap nito sa palligidlaan ni Lea na , nahuaan nito na itinatanong nito kung si Maya ba ay hindi nila pipintahan din.
            Hindi. Mahigpit ang order ni Lea na h’wag lalagyan si Maya kahit lipstick. Para kay Lea, maruming tingnan ang isang batang naka make-up at lipstick. Imbis na makaganda’y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.
            Inihanda nan g mga hurado ang papel at lapis nila. Mag-uumpisa na silang bigyan ng kaukulang marka ang personalidad ng mga batang kandidato.
            Maya-maya’y umaakyat na sa stage ang mga bata; idinidisplay ang gown nila, lumalakad nang nakapameywang, nagpa-pause, nagpo-pose, habang sinasab ng tagapagsalita ang mga ngalan nila sa sinasagot naman ng palakpakan ng mga tao. Panay ang klik ng mga kamera, na sinisingitan pa ng kislapan ng mga flush bulbs. Ke tatanga nila, sa loob-loob ni Lea. Sa kainitan ng araw, hindi ka gagamit ng flush bulb.
            “Arlina de los Santos!”
            Isang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang nagpapalahaw dahilayaw umakyat sa stage. Hatak-hatak ito ng ina, pinipilit, pinapalo pa man din. Nagtatawanan na ang marami, nanghihinayang ang ilan.
            “Gagang bata ‘yan, ang ganda-ganda pa naman ng suot!”
            “Ay, mahal  ‘yan, mare! Mahigit isang libo angg ginasta ni Corazon diyan!”
            ‘Yong Corazon siguro ang ina.
            Nag-concentrate si Lea sa pagkuha ng retrato ni Maya. Sa parisukat na camera lens, aaminin niyang maganda nga ang anak niya. Manang-mana sa ina, sabi niya sa sarili. Pero hindi iyon ang kahanga-hanga dito kundi ang tiwala sa sarili na masasalamin sa mga hakbang nito, sa mga pa-cute nito. Puwedeng mag-artista paglaki, sabi nga ng iba. Puwedeng mag-leader.
            Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos, naisip ni Lea. Kung hindi siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. Nanay, nagkakalkal ng ulo si Ojie sa tabi ni Lea. Kanina pa nga naman siya tinatawag ni Ojie.
            Sumiliip ili sa lens ng kamera si Lea. “Ano?” tanong niya.
            “Gusto ko ng soft drinks.”
            “Don ka humingi ng pera sa tatay Ding mo. Wala akong dala ditto”.
            “Malayo siya, e!”
            “Lapitan mo.”
            “Hindi ako makadaan!”
            “Di mamaya ka na mag-soft drinks, pag makakadaan ka na!”
            Dumaragdag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding. Tatay Ding. Ba’t may Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no’ng bagong lipat pa lang sila sa lugar na ito. Ba’t hindi basta tatay na lang?
            To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang  Tatay Raffy.
            Nag-anawns ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa. Sayaw mula sa isang grupo ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw.
            Bumanat ng kanta si Florante, Abakada… egahaila… manangaopa.. rasatauwaya! Umentra sa stage ang grupo at sinayawan ang kanta ni Florante.
            Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang kasali sa contest. Ngayon, ang iniwan nila sa katawan ay ang saplot na bikini. Kinambatan ni Lea ang tatanga-tangang pamangkin. Mabilis naming tinulungan ito ni Ding sa pag-iintindi kay Maya.
            Iyong ibang ina, nireretoke ang make-up ng anak nila. Lumapit si Flor kay Lea at ibinulong:
            “Tita Lea, si Maya lang angwalang make-up. Lalagyan ko siya maski lipstick.”
            “Wala akong lipstick.”
            “Tumigil ka.”
            Isa pang palabass at pabalik sa stage ang mga kandidato sa pagka-Miss Kinder. Dumarami ang mga batang nagmamarakulyo. Ang isa’y nagpoposing nga pero halatraaong napipilitan na lang. Halatang malapit nang umiyak. Ginulo naman ng isa pa ang buhok niya bago nag-fashion show… isang maliwanag na paninirya sa ina’t titser.
            Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing taon sa mga beauty contest? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.
            Karaniwan na ina lang ang may gusting mapalaban ang anak nila, masabing kabilang ito sa magaganda, maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya’n mo maibilad siya sa init, mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ng tropeo, gusto ng nanay ng karangalan.
            Dear asawa ko na nasa Saudi: padalhan moa gad ako ng isang milyong dolyar pambili ng gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba, baka hindi mo nalalaman, kandidato ang anak mo sa pagla-Miss Kinder!
            Naturalmente, kailangang pinakamaganda ang suot niya sa okasyong iyon. H’wag mong sabihin maitim siya, hindi na mapapansin ang kulay niya pag napansin ang suot niya. At susuutan ko siya ng gndiold, sasabugan ko ng sequence para kumislap. Pag nagmarakulyo siya, hahatakin ko siya. Babanatan ko. Ku, makikita ng batang yan pagdating naming sa bahay.
            Naisip ni Lea na kung anong banat kaya ang aabutin ng bata sa suot na gold pag-uwi nila ng bahay. T’yak na maramainga akurot at amba ng suntok at mura. Sayang ang gown, e. Biro mo, isang milyon ang halaga, hindi naidisplay?
            Iniisip ni Lea kung hindi kaya si Maya ang napaiba sa pagkakataong ito. Si Maya mismo ang pinagdesisyon niya kung gusto niyang sumali.
            “S’yempre naman!” tiyakang sagot sa kanya ni Maya.
            “Magpapagod ka sa kare-rehearsal. Siyempre araw-araw me praktis kayo.”
            “S’yempre!” “Baka mamaya, iiyak ka?”
            “Baka ikaw ang iiyak, Nanay?”
            “Bakit ako?”
            “Bibili mo ‘ko ng toga saka gown saka bikini. Maraming perang kailangan do’n.”
            May mga pumunta sa kanya sa pagkumporme niya na sumali si Maya sa nasabing beauty contest. Lalo na’t nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniniwala na ang mga pagandahan ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.
            Pero gano’n din naman ang damdamin niya. Ang totoo’y nagalit na siya nang Makita niya ang ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling praktis kahapon, hanggang sa mag-umpisa na ang programa kanina ay gusto na niyang i-withdraw sa contest ang anak… gusto na niyang iuwi! May lagnat na ito kahapon. 38.2. Nag-aalala siya na tumaas pa iyon.
            Kaso’y disidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi ito papaya na mag-pull out. Ano man ang dinaramdam ni Maya ay ginagawa pa rin nito ang kanyang the best.
            Sports siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa nanay. At kakambal ng nararamdaman niyang pag-aalala’y nakadarain siya ng pagmamalaki. 
            “Ngayon naman po, ang mga bata natin ay magpapakita ng kanilang talino sa pamamagitan ng pag-awit, tula, at sayaw!”
            Unang bata, ala-Celeste Legaspi sa mga angat ng balikat, liyad ng katawan at lukot ng mukha:
            “Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe!...”
            Pangalawang bata, nagpakuha pa man din ng gitara’t upuan: “Nang isilang ka sa mundong  ito, laking tuwa ng magulang mo!...”
            “Talo’ng anak mo ro’n,” biro niya kay Ding na tumabi sa kanya. “Marunong siyang maggitara.”
            Seryoso’t may kaba si Ding sa panonood. Naisip ni Lea kung napakahalaga ba kay Ding ng paligsahang iito. Kung matter of life and death bas a kanya ang na manalo ang anak.
            Huminga nang malalim si Lea.. Wala kang magagawa, sabi niya sa sarili. Simpleng tao lang si Ding… sing-simple ng karaniwang ama’t ina.
            “Oh, Captain, my captain!” banat ng ikatlong bata.
            Nagpayanig din ang ikaapat na bata sa pamamagitan ng pagbabali-bali ng katawan nito sa saliw na tugtuging rock.
            “Talon a nga yata ang anak mo,” bulong ni Ding kay Lea. Na-insecure na nga si ding.
            Hindi na yata huminga si Ding nang pumagitna si Maya at magbandila ng tula niya:
            “Ang tiyan ng nanay, malaki’t mabilog.
            Ano ‘yon? Tanong ni Ojie sa nanay.
            Bola? Bola ng basketball?
            Hindi, iba.
            Puwedeng paglaruan?
            Hindi at may laman.
            Ano’ng laman, ha ‘Nay?
            Sorpresa, sorpresa!
            Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
            Pa’nong ang bola ay nagging si Maya?
            Biglang tawa si Nanay:
            Paglaki mo na, Ojie, saka mo malalaman!
            Hindi siguro akalain ni ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng ta okay Maya. May kasama pang malakas na tawanan.
            Pero hindi pumapalpak ang prinsipal. Hindi natawa. Kundi napahindig.
            “Que barbaridad!”
            Natawa uli ang tao sa reaksyon ng prinsipal.
            Nalagay sa alanganin si ding. Hindi malaman kung matatawa o mapapahiya. Ngayon lang narinig ni Ding ang tula ni Maya. Pag tinatanong kasi nito ang anak kung ano’ng gagawin sa stage,ang lagging sagot ni Maya: “Malalaman mo.”
            Nalaman nga niya ngayon.
            “Sinong nagturo sa anak mo no’n?” usig ni Ding kay Lea.
            Nakangiti si Lea. “Sino pa!” at nagmamalaki pa!
            Tumalim ang ngiti ni Ding kay Lea. “Talagang wala kang turong mabuti!”
            Babaan na naman ang mga bata para isuot uli ang kanilang toga. Mag-aabutan muna ng diploma habang nagde-deliberate ang mga hurado.
            Isa-isang tinawag ang mga ga-graduate. Sa huli na raw ibibigay ang medalya ng karangalan.
            Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sino-sino ang mag-uuwi ng medalya. Nakabitin sa suspense ang mga magulang.
            “Una muna po, pagkaraang pagtibayin natin ang pag-graduate ng bata, hihingiin natin ang pasiya ng mga hurado sa ating paligsahan bago natin iproklama ang mga honor students natin.”
            At least may sapat na isip naman sila na ilagay sa huli ang pagsasabi ng honor students. At least alam nila na ang pinakaimportante sa umagang ito’y hindi kung sino ang pinakamaganda kundi sino ang pinakamarunong. Ulad Sa lahat ng beauty contest, nagpilian muna ng Miss Photogenic, Miss Talent, at kung ano-ano pang Miss. Naubos na ang tropeo sa pagka-Miss. Kung anu-ano ay wala pang nakukuha si Maya
            “Wala pang nakuuha si Maya,” ninenerbiyos nang bulong ni Ding.
            “May makukuha ‘yan,” pampalakas-loob ni Lea. “’Yong pinakamalaki,” iyong pinakamalaking trophy ang nakalaan sa Miss Kinder.
            Third Princess!
            Second Princess!
            Wala pang hawak si Maya at na-insecure  na rin pati si Lea. Minumura na niya nang pabulong ang mga hurado. Ipinagngingitngit na niya ang tila pagpapakaseryoso ng mga ito sa pamamahagi ng trophy.
Kung siya ang hurado, titiyakin niya na bawat bata’y may iuuwing tropeo. Na wala sa kanilang uuwi nang bigo.
At nahihiya. Dahil sa gano’ng edad, ang pagkabigo’y lagging may nakakabit na pagkapahiya.
“Tinatawagan po sa entablado ang Miss Kinder ng nakaraang taon para siyang magpatong ng korona sa ating Miss Kinder ’83. Ladies and gentlemen, Miss Kinder ’82 Dolores Villafuerte! Let’s give her a big hand, please!
Sabo gang palakpakan. Taas-noo, aral na aral ang lakad, tulad ng isang Missay ros sa pandaigdig na pagandahan, naka-gown ng kulay rosas na tinatya ni Lea na nagkakahalaga na rin ng libo, kuntodo naka-guwantes at paramg isinubsob sa make-up, dala ang makislap na koronla,  ang nakaraang Miss Kinder.
            Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos ko, ano’ng ginagawa nila sa mga bata?
            And now, Miss Kinder ’83, ladies ang gentlemen… because of her simplicity, her freshness, poise ang total personality…” pause.  Birada ng tugtog. Mga nakabiting hininga. “Maria Nataia Gascon!”
Napalundag si Ding. At sa kabila ng damdamin niya, napalundag din si Lea. Pati puso yata niya’y tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre di dapat malimutan ang kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka, ang likot ng kamera! Nanginginig ba ang kamay niya? Klik! Lumalabo ang lens sa mga mata niya. Ano ‘to, umiiyak ba siya? Klik! Habang sa tabi niya’y hindi rin makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko ‘yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narini n’yo ba? Anak ko ‘yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. ‘Yong batang muntik ko nang tinunaw no’ng araw. Kundi ko lang naisip na lahat ng bata’y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
Klik!Maya, naririnig mo ba, anak? Si Raff yang nagging katumbas mo! Alam mo ba kung sino si Raffy? Iyon ang pinakamalaking pag-ibig ko!
Klik! Klik!
“Ding, ‘yong film! Sagad na ‘to, Ding ‘yong film!”
“Eto, eto!”
“Diyos ko, matagal pa ba bago malagay ‘yan! Mae-expose ‘tong nauna!”
“Misis, isi ka lang. Eto’ng kamera ko, me film pa!”
Inagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandang-loob.
Klik! Naloko na, fixed focus. Malabo ang kuha! T……….. mama ito, mumurahin ang kamera!
Umiiyak siya… P….. ‘na, pati leeg niya, basing-basa na sa luha!
Diyos ko, e alam mo naming hindi ako mahilig sa mga beauty contest e bakit nagkakaganito ako?
Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng karangalan. Dito sana dapat mapaiyak sa tuwa si Lea. Pero by that time e wala na siyang luha… kung paanong wala na ring film ang kamera ng lalaking nagmagandang-loob sa kanya, at binayaran na lang niya ang commercial photographer na gumagala sa school ground para kunan ang mga dagdag na retrato ang kanyang anak.
           
           

-Pinagyamang Pluma 9
nina Ailene G. Baisa-Julian
Mary Grace G. del Rosario
Nestro S. Lontoc
2015

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Si Usman, ang Alipin

Puting Kalapati, Libutin itong Sandaigdigan