Puting Kalapati, Libutin itong Sandaigdigan
PUTING KALAPATI, LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN Usman Awang (malayang isinalin ni A. B. Julian) Sa mga pangyayaring walang kasakitan, Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na bumabandila. Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan Ang hanging panggabi'y iyong panariwain Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin. Itong aming mga labi'y iyong pangitiin. Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan Ngunit ikaw na palamara Tulad ng alabok,humayo ka't mawala Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa Pinagyamang Pluma 9 Ailene G. Baisa-Julian Mary Grace G. del R...