Si Usman, ang Alipin


Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna isang Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).


Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak.

“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.

“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.

Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.



Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.
-Pinagyamang Pluma 7, 2017

Comments

  1. Saan po galing ang kwentong bayan na ito?

    ReplyDelete
  2. thanks po may assigent po kasi kami tus yan yung ass namin salamat..

    ReplyDelete
  3. Bakit nga ba kailangang magkaroon ng isang mabuting lider na magpapatakbo sa lipunan?

    ReplyDelete
  4. Para mag karoon ng kabutihan sa bayan

    ReplyDelete
  5. Assignment ko rin ito sa filipino.....grade 7 amiable shyra minatozaki

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aka rin assignment ko tin to grade 7

      Delete
    2. ako rin activity namin sa school

      Delete
    3. Ako rin po assignment ko rin ito sa Filipino 7-STE ng ppnhs

      Delete
    4. Me to in monday i will past it grade 7 filipino

      Delete
  6. Assignment ko rin ito sa filipino.....grade 7 amiable shyra minatozaki

    ReplyDelete
  7. Ano po Bang aral ang makukuwa kay usman ang alipin

    ReplyDelete
  8. hindi dapat maiingit sa ibang tao kahit gwapo man at maganda, dapat matuto tayong magmahal ng ano mang meron tayo sa buhay at hindi ito kailangan ikompara sa ibang tao.

    ReplyDelete
  9. marami din ako natutunan dito!!!!


    ReplyDelete
  10. thanks po binibiningmarj sa story mayroon din po akong assignment na pinagawa ng prof ko. god bless you po

    ReplyDelete
  11. Salamat yan po yung ass. Namin ngayon sa Filipino

    ReplyDelete
  12. Thank You Nagawa ko na po Ass ko😇

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano po yung opinyon nyo na sagot isa lng po last?

      Delete
  13. Salamat po ass. Q lng nmn po yan buti na kita q po yan salamat

    ReplyDelete
  14. Thank you nagawa ko na rin
    Po ass. Ko

    ReplyDelete
  15. yehey! maypang assignment na ako,salamat po

    ReplyDelete
  16. Salamat po at may pang assignment na po ako😊✌️

    ReplyDelete
  17. Ass rin nmin itoo

    ReplyDelete
  18. Ang galing nito makatulong ito sa aking assingment sa filipino

    ReplyDelete
  19. Salamat po makakatulong po Ito sa assignment ko sa Filipino 😁

    ReplyDelete
  20. makakatulong talaga thankyou so much




    ReplyDelete
  21. maganda kwento toh Ros na kayo kaysa dito

    ReplyDelete
  22. Hahaha galing ng anak ko gumawa ng assignment nya 😍😍😴😴😷😷

    ReplyDelete
  23. Salamat assignment ko to ngayon eh Tysm Ang ganda ng storya niya gg

    ReplyDelete
  24. thank in this assignment 🙂🙂🙂🙂

    ReplyDelete
  25. Thank you ass lamg namin mag rereport "PATAY"HAHAAHAH HI SA MGA TAGA HAU

    ReplyDelete
  26. Ginawa ko ang kopyang ito para sa aking mga mag-aaral subalit ikinalulugod kong ibahagi din ito sa iba pang mag-aaral na nangangailangan ng kopya ng mga akdang tulad nito.

    ReplyDelete
  27. Ano po yung aral nang kwento?

    ReplyDelete
  28. Maging makuntento po tayo sa mga binigay saten ng diyos😊

    ReplyDelete
  29. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  30. Hello po ano po yung summary kailangan po sa assignment ko po eh

    ReplyDelete
  31. Paano ipinakita ni potre maasita ang tradisyong ito sa pakikitungo niya sa kanyang ama?

    ReplyDelete
  32. alin ang sa mga pangungudap sa ibaba ang nagbibigay ng pahayag ng patunay

    ReplyDelete
  33. anong kulturang muslim ang ipinakita nito

    ReplyDelete
  34. Ang ganda talaga ng storya! Kung pwede nga sana ma add ko ang love story nila sa storya kung ginagawa ahahahah>^< jk no.

    ReplyDelete
  35. ano ang ibat ibang mga tradisyon,kultura at paniniwala sa

    kuentong ito

    ReplyDelete
  36. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  37. Paano ipinakita ni potre maasita ang tradisyong ito sa pakikitungo niya sa kanyang ama?

    ReplyDelete
  38. Ano-ano ang ginagawa ni sultan zacariang kanyang anak na si potre maasita ng nagpakitang hindi siya sumonod sa tradisyong ito?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bata, Bata Paano ka Ginawa? (Unang Kabanata)

Puting Kalapati, Libutin itong Sandaigdigan